Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

Mass Weeding

Kasalang Bayan Sa Simbahan 2023

Isang espesyal na araw para sa ating bayan ng Pitogo ang pagkakasal ng 17 couples sa KASALANG BAYAN SA SIMBAHAN 2023 na pinangunahan po ng ating Kura Paroko, Father Paul Agra.

Ang programang ito ay handog po ng Pamahalaang Lokal ng Pitogo sa pangunguna ng Ating Municipal Mayor Dexter L. SAyat katuwang si Vice Mayor Paul Timothy Villaflor at ng Sangguniang Bayan members.

Bilang ninong, sinagot po ng ating Municipal Mayor Dexter L. Sayat ang lahat ng kanilang handa na ginanap sa MDRRM Hall.

Lubos po ang pasasalamat sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar na pinamumunuan ni Ma’am Mycel Villarin Flores na siyang nag-asikaso ng programang ito upang maging matagumpay.

Muli po, mula sa po LGU Pitogo, CONGRATULATIONS at MABUHAY po ang mga bagong kasal.

Photo with Mayor Sayat and Military Officials

Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS)

Kabilang na po sa “Stable Internal Peace and Security” ang ating bayan. Kahapon, ay nagkaroon ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding na nagdedeklara sa bayan ng Pitogo ay kaisa na sa Stable Internal Peace and Security (SIPS).


Pinangunahan po natin ito katuwang si Vice Mayor Paul Timothy C. Villaflor kasama ang 85th Infantry (SANDIWA) Battalion sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Joel R Jonson, na kinakatawan ni Major Rhodell Lemmuel L Pacleb, 201st Infantry Brigade, 2ID, PA sa pangunguna ni Brigadier General Erwin A Alea, Area, Police Command- Southern Luzon na kinatawan ni Police Major Raul D Abenilla at Quezon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Ledon D Monte.


Naroon din ang kasapi ng Sangguniang Bayan, PPLB President Fidel M. Malapit, MLGOO-Reyza E. Lagar, Department Heads, PNP Personnel, BFP Personnel, Philippine Army at mga Punong Barangay.


Ang paglagda sa nasabing kasulatan ay simbolo na ang bayan ng Pitogo ay malaya na sa ideolohiya ng CPP-NPA-NDF at hindi na kinikilusan ng mga armadong teroristang grupo.


Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programang ito, sama sama tayong itaas ang lebel ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa at proyektong makakatulong sa pamumuhay ng bawat mamamayang Pitogohin na mayroong seguridad at kapayapaan.

Public Hearing

Lubos po kaming nagdadalamhati sa pagkawala ng AMA ng aming Bayan Kgg. PAULINO “INO” SAYAT.

Pinagbibigay alam po namin sa lahat ng mga kaibigan, kamag-anak at nakakakilala na ang kanyang labi ay kasalukuyang nakalagak sa “MERCEDES MEMORIAL PARK” Brgy. Nag-cruz Pitogo, Quezon ang kanya pong libing ay sa Oktubre 28,2021 sa ganap na Ika 9:00 umaga..

Misa: Conversion of Saint Paul Parish Church

PUBLIC VIEWING: Oktubre 27,2021 6:00pmMunicipal Covered Court Barangay Maaliw Pitogo, Quezon.

Binibining Bondoc Peninsula 2021

Ang buong Pamahalaang Bayan ng Pitogo sa pamumuno ni Mayor Paulino “INO” Sayat, Vice Mayor Dexter “Toks” Sayat at mga Konsehal ng Bayan ay sumusuporta sa ating mga kandidata para sa Binibining Bondoc Peninsula 2021. ☺️😍

Binibini 7 – Madelyn Baltazar at

Binibini 9 – Darlyn Joy Tano Dator

Gandang Pitogohin, ibandera! Dito sa Pitogo, dalhin ang korona!

PULONG NG ANTI-ROAD AND SIDEWALK OBSTRUCTION TASK FORCE SA BAYAN NG PITOGO

Enero 18, 2021

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng nasabing TASK FORCE na pinamumunuan ni Engr. Augusto T. Lim upang pag-usapan at talakayin ang mga usapin kaugnay ng road clearing na ipinatutupad alinsunod sa direktiba ng DILG.

Sa nasabing pulong ay pinag-usapan ang mga paghahanda para sa isasagawang validation at implementasyon ng nasabing programa ng Pamahalaang Nasyonal.