Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Culture

Banner of Christmas Lighting Ceremony 2023

Christmas Lighting Ceremony 2023

QUEZON PARK PITOGO, QUEZON, 5PM

Ang Lokal na Pamahalaan ng Pitogo sa pangunguna nina Mayor Dexter TOK Sayat, Vice Mayor Paul Timothy Villaflor at buong Sangguniang Bayan, kasama ang Tanggapan ng Turismo ng Pitogo ay malugod na inaanyayahan ang lahat sa Christmas Lighting Ceremony ngayong darating na ika-4 ng Disyembre, ganap na ika-5 ng hapon, sa Quezon Park Pitogo, Quezon.

Sama-sama nating simulan ang pagdiriwang ng MASAYA at MAKULAY na Pasko dito sa Pitogo. Halinaโ€™t ating damhin ang Paskong Pitogohin!

PMNP LAUNCHING ORIENTATION

PMNP Municipal Launching Orientation and MNC Meeting for Grant Allocation

Matagumpay na ginanap ngayong araw ang PMNP Municipal Launching Orientation and MNC Meeting for Grant Allocation na dinaluhan ng ating mga LGU Department Heads, mga kapitan, BNS members kasama sina Ms. Heizel B. Gozo- CDO III- DSWD KALAHI CIDSS, Ms. Joy Palino Community Infrastructure Officer, at si Ms. Katherine Anne B. Anduraje, RND – Project Associate II, PMNP.

Ang Philippine Multisectoral Nutrition Program (PMNP) ay isang proyekto na naglalayong mapabuti ang paggamit ng nutrition-specific at nutrition sensitive package sa LGU at pagbutihin ang mga pag-uugali at gawi ng mga LGU na makatutulong sa pagbabawas ng paglaganap ng stunting sa bansa.

Prayoridad po natin ang kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan at mga nagbubuntis. Ang tamang nutrition ay susi sa pag-unlad ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng wastong pagkain at pag-aalaga sa kalusugan, makakamit natin ang mas malusog at mas maligaya na kinabukasan. Magsama-sama tayong magtaguyod ng mas malusog at masiglang henerasyon. Ang bawat hakbang at bawat desisyon natin ay may malaking epekto sa kanilang kinabukasan at upang tayo ay magkaroon ng maayos na health governance.