Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Community

PMNP LAUNCHING ORIENTATION

PMNP Municipal Launching Orientation and MNC Meeting for Grant Allocation

Matagumpay na ginanap ngayong araw ang PMNP Municipal Launching Orientation and MNC Meeting for Grant Allocation na dinaluhan ng ating mga LGU Department Heads, mga kapitan, BNS members kasama sina Ms. Heizel B. Gozo- CDO III- DSWD KALAHI CIDSS, Ms. Joy Palino Community Infrastructure Officer, at si Ms. Katherine Anne B. Anduraje, RND – Project Associate II, PMNP.

Ang Philippine Multisectoral Nutrition Program (PMNP) ay isang proyekto na naglalayong mapabuti ang paggamit ng nutrition-specific at nutrition sensitive package sa LGU at pagbutihin ang mga pag-uugali at gawi ng mga LGU na makatutulong sa pagbabawas ng paglaganap ng stunting sa bansa.

Prayoridad po natin ang kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan at mga nagbubuntis. Ang tamang nutrition ay susi sa pag-unlad ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng wastong pagkain at pag-aalaga sa kalusugan, makakamit natin ang mas malusog at mas maligaya na kinabukasan. Magsama-sama tayong magtaguyod ng mas malusog at masiglang henerasyon. Ang bawat hakbang at bawat desisyon natin ay may malaking epekto sa kanilang kinabukasan at upang tayo ay magkaroon ng maayos na health governance.

Pasalubong Center

Ground Breaking Ceremony of Pasalubong Center

Sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Pitogo magkakaroon po tayo ng Pasalubong Center with Complete Facilities hatid ng Responsableng Aruga ni Congressman Reynan Arrogancia at Quezon Governor Doktora Helen katuwang ang DPWH Region IV-A at Quezon 3rd District Engineering Office headed by DE Jorge Pasia.


Malaking tulong po ito upang maiangat ang antas ng turismo sa ating bayan, makapag bigay ng trabaho sa ating nasasakupan at makikilala ang mga produktong sariling atin. Ganun din ang pagkakaron ng malinis at maayos na palikuran na makakapagbigay ng maayos napasilidad sa mga turista at mga bahero na dadaan sa ating bayan.


Ang Pamahalaang Lokal po ng Pitogo ay lubos na nagpapasalamat kina Cong. Reynan Arrogancia, Governor Doktora Helen Tan at Bokal JJ Aquivido sa mga proyektong umaapaw para pakinabangan ng lahat ng mamamayan ng buong Quezon at ng Bondoc Peninsula.

New Municipal Hall

Ground Breaking Ceremony of Municipal Hall and Evacuation Center

Pinangunahan po ni 3rd District Representative Reynante Arrogancia at Quezon Governor Doktora Helen Tan ang Groundbreaking Ceremony ng ating ipapagawang Municipal Hall at Evacuation Center sa bayan ng Pitogo kasama ang ating butihing Vice Mayor Paul Villaflor, Board Member JJ Aquivido, Maam Agnes Payos-Arrogancia, Engr. Jorge Pacia, GM Victor Cada gayundin ang buong konseho ng Sangguniang Bayan, mga kapitan at mga Department Heads.

Ang bagong Munisipyo na ito ay simbolo ng hindi mapipigilang pag-unlad ng Bayan ng Pitogo at ng Bondoc Peninsula sa tulong ng Responsableng Aruga at Serbisyong Tunay at Natutal. Patunay lamang na nandito na ang pagbabago. Sa bagong gusali na ito, mas mapapabilis ang ating pagseserbisyo sa mamamayan at ang ating mga kababayan ay magiging komportable na sa tuwing sila ay hihingi ng tulong sa ating mga opisina.

Mula po sa bayan ng Pitogo, walang hanggang pasasalamat po Congressman Reynan Arrogancia, Governor Doktora Helen Tan at Bokal JJ Aquivido.

PULONG NG ANTI-ROAD AND SIDEWALK OBSTRUCTION TASK FORCE SA BAYAN NG PITOGO

Enero 18, 2021

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng nasabing TASK FORCE na pinamumunuan ni Engr. Augusto T. Lim upang pag-usapan at talakayin ang mga usapin kaugnay ng road clearing na ipinatutupad alinsunod sa direktiba ng DILG.

Sa nasabing pulong ay pinag-usapan ang mga paghahanda para sa isasagawang validation at implementasyon ng nasabing programa ng Pamahalaang Nasyonal.