Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Author: CMS Encoder

Photo with Mayor Sayat and Military Officials

Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS)

Kabilang na po sa “Stable Internal Peace and Security” ang ating bayan. Kahapon, ay nagkaroon ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding na nagdedeklara sa bayan ng Pitogo ay kaisa na sa Stable Internal Peace and Security (SIPS).


Pinangunahan po natin ito katuwang si Vice Mayor Paul Timothy C. Villaflor kasama ang 85th Infantry (SANDIWA) Battalion sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Joel R Jonson, na kinakatawan ni Major Rhodell Lemmuel L Pacleb, 201st Infantry Brigade, 2ID, PA sa pangunguna ni Brigadier General Erwin A Alea, Area, Police Command- Southern Luzon na kinatawan ni Police Major Raul D Abenilla at Quezon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Ledon D Monte.


Naroon din ang kasapi ng Sangguniang Bayan, PPLB President Fidel M. Malapit, MLGOO-Reyza E. Lagar, Department Heads, PNP Personnel, BFP Personnel, Philippine Army at mga Punong Barangay.


Ang paglagda sa nasabing kasulatan ay simbolo na ang bayan ng Pitogo ay malaya na sa ideolohiya ng CPP-NPA-NDF at hindi na kinikilusan ng mga armadong teroristang grupo.


Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programang ito, sama sama tayong itaas ang lebel ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa at proyektong makakatulong sa pamumuhay ng bawat mamamayang Pitogohin na mayroong seguridad at kapayapaan.